Nananatili sa mga evacuation center ang 3,788 indibidwal o 1,072 pamilya na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Batay sa Batangas Provincial Police Office, ang mga pamilyang ito ay mula sa Agoncillo, Laurel, Taal, Lemery, Balete, Cuenca, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Talisay City at Tanauan City.
Nasa 2,565 indibidwal o 709 pamilya naman ang piniling manuluyan sa mga kamag-anak sa halip na manatili sa evacuation center.
Sa ngayon, nasa 77 barangay ang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Facebook Comments