Umabot na sa 3,012 ang kabuuang kaso ng Omicron subvariants ng COVID- 19 sa bansa.
Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) at ang UP Philippine Genome Center at National Institute of Health ng panibagong 1,015 na tinamaan ng BA.5
883 sa mga bagong kaso ay gumaling na.
Kasama sa mga bagong kaso ng BA.5 ay ang 527 na mga nakakumpleto ng bakuna laban sa COVID-19, gayundin ang 12 na hindi pa nakakumpleto ng doses at 16 na hindi pa bakunado
Naitala ang mga kaso ng BA.5 sa mga Returning Overseas Filipinos at sa lahat ng rehiyon ng bansa maliban sa Region 9 at 10.
Samantala, may karagdagang 26 na kaso ng BA.4 subvariant ng Omicron na natukoy rin sa genome sequencing.
Habang nakapagtala rin ang DOH ng 18 bagong kaso ng BA.2.12.1 ng Omicron subvariant.