Mahigit 1,000 Pinoy workers, kailangan ng Oman at UAE

Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino sa Oman at United Arab Emirates sa susunod na buwan.

Ito ang inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) matapos ang pakikipag-usap nito sa mga senior labor officials ng nasabing mga bansa.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na nais ng mga opisyal ng Oman na lumikha ng kauna-unahang bilateral labor agreement sa Pilipinas.


Sa ngayon aniya ay nais ng Oman na maplantsa ang terms at conditions ng kontrata para sa kukuning mahigit isang libong Pinoy workers.

Partikular na ide-deploy ang kukuning Overseas Filipino Workers (OFWs) sa tatlong free zones na ginagawa ngayon sa Oman.

Ang mga opisyal aniya ng UAE ay naghahanap din ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng business-to-business ventures at government-to-government programs.

Ipinaliwanag ni Ople na ang hakbang na magdala ng mga Pilipinong mamumuhunan ay bahagi ng economic diversification program ng nasabing bansa.

Facebook Comments