Mahigit 1,000 sundalo, itinalaga para bantayan gagawing plebesito sa Basilan

Ilang araw bago ang gagawing plebesito sa Basilan para sa Bangsamoro Organic Law, tiniyak ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal na mayroong sapat na bilang ng sundalo sa lalawigan.

Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Benjamin Madrigal sa ngayon, mayroong 1300 na mga sundalo sa lugar.

Handang handa na aniya ang mga ito ngayon batay sa kanyang ginawang pagbisita sa Basilan.


Ang basilan ang isa mga lugar sa Mindanao na areas of concerned ng AFP para sa gaganaping plebesito.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Madrigal na hindi makakaubra ang Abu Sayyaf Group sa Basilan para manggulo sa gaganaping plebesito.

Facebook Comments