Mahigit 1,000 Violators sa Region 2, Lumabag sa Curfew Hour at Liquor Ban

64

*Cauayan City, Isabela*- Umaabot sa 1,077 ang mga indibidwal na lumabag sa curfew hour at liquor ban sa buong rehiyon dos sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay PCol. Chevalier Iringan, Public Information Officer ng Police Regional Office 2, isasampa ang mga kaso sa pamamagitan ng regular filing matapos lumabag ang mga violators habang umiiral pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng quarantine.


Sinabi pa ni Iringan na patuloy na magbabantay ang mga kapulisan at kanilang ipatutupad ang batas at maging aral na rin para sa iba na hindi kinakailangang lumabas para maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasbaing sakit.

Matatandaang una ng nahuli ang nasa 21 na katao dahil sa iligal na pagsusugal na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

Facebook Comments