Mahigit 10,000 bagong COVID cases sa bansa, naitala ngayong araw

10,016 ang naitala ngayong araw ng DOH na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

78 naman ang bagong gumaling at 16 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, pumalo na sa 731,894 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay 115,495 habang ang total recoveries ay 603,213.

Ang total deaths naman ay 13,186.

Facebook Comments