Mahigit 10,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ngayong araw na ito

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,623 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw na ito.

3,127 naman ang bagong gumaling habang 247 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,638,345 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Lalo namang tumaas sa 74,297 ang aktibong kaso.

Habang ang total recoveries ay 1,535,375 at ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 28,673.

Facebook Comments