Mahigit 10,000 COVID-19 recoveries, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 10,674 na gumaling sa COVID-19 sa bansa.

14,610 naman ang karagdagang kaso ng COVID-19 habang 27 ang bagong binawian ng buhay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 106,672 ang aktibong kaso.


Sa ngayon, umabot na sa 1,755,846 ang kabuuang kaso sa bansa, 1,618,808 ang mga gumaling, at 30,366 ang mga nasawi.

Facebook Comments