Mahigit 10,000 indibidwal, nananatili sa 60 na evacuation center sa QC

Nasa mahigit 10,000 na indibidwal ang nananatili sa 60 na evacuation center sa Quezon city.

Batay sa talaan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), nasa 10,019 indibidwal o 2,833 pamilya ang inilikas dahil sa walang tigil na buhos ng ulan sa nakalipas na magdamag na dulot ng Bagyong Kristine.

Ang nasabing bilang ng mga pamilya at indibidwal ay inilikas sa 41 barangay mula sa Districts 1, 2, 3, 4, 5, at 6 na binaha sa lungsod at may banta ng landslide.


Nagtulong-tulong naman ang mga city councilor at pamahalaang lungsod sa pagkakaloob ng hot meal, food packs, at iba pa sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa QC.

Muli ring pinayuhan ng QC government ang mga residente na tumawag sa QC Helpline 122 kung may emergency.

Facebook Comments