Mahigit 10,000 na pamilya, nakatanggap ng pamaskong handog sa Navotas

Mahigit 10,000 pamilya ang nabigyan kahapon ng Noche Buena product ng lokal na pamahalaan ng Navotas.

Aabot sa 10,512 families ang nabigyan ng pamaskong handog ng lungsod.

Kabilang sa mga lugar na inikutan kahapon ng distribution team ng lungsod para mamahagi ng Christmas ham ang Barangays North Bay Boulevard South Proper, Tanza 1 at Tanza 2.


Sa kabuuan ay aabot na sa 45,724 na pamilya sa Navotas ang nakatanggap ng pamaskong handog ng lokal na pamahalaan ngayong Disyembre.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagsunod sa minimum health standard sa ginawang distribusyon ng pamaskong handog sa mga residente.

Facebook Comments