Mahigit 10,000 pamilya na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan, nakatanggap ng tulong mula sa DSWD

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD, mahigit P1.6 milyong tulong na ang naipamahagi ng ahensya sa mga apektadong residente.

Sa nasabing bilang, P504,000 ang mula sa DSWD, P22,000 ang mula sa iba’t ibang Local Government Unit, at ang iba naman ay mula sa Non-Government Organizations (NGOs).


Kabilang sa mga tulong na ipinamahagi ay family food packs at hygiene kits.

Aabot sa 10,000 pamilya o nasa 44,000 na indibidwal mula sa 30 mga barangay sa munisipalidad ng Irosin at Juban ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Kasalukuyan namang nasa 145 na pamilya ang nananatili pa rin sa tatlong evacuation centers sa Juban.

Tiniyak naman ng DSWD na may nakahandang family food packs at stand by funds sa DSWD Field Office V na magagamit sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments