Mahigit 10,000 pulis at force multiplier, ipinakalat ng ng NCRPO para magbantay ngayong holiday

46

Mahigit 10,000 pulis at force multiplier ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Dir. Police Major Gen. Vicente Danao Jr., 14,140 peace-keeping forces mula sa NCRPO at force multiplier ang kanilang ipinakalat para magbantay ngayong bisperas ng Pasko hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Magpapakalat din aniya ang NCRPO ng mga foot and mobile patrol sa mga subdivision para hindi mabiktima ng akyat bahay lala’t marami sa ating kababayan ang umuwi sa kani-kanilang mga probinsya.


Nauna nang sinabi ni Danao na naging mapayapa sa pangkahalatan ang tradisyunal na Simbang Gabi sa Metro Manila.

Facebook Comments