Mahigit 100,000 maliliit na negosyo, napilitang magsara ngayong COVID-19 pandemic

46

Iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Kamara na mahigit 100,000 Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ang napilitang magsara dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng Committee on Ways and Means sa pamumuno ni Albay Rep. Joey Salceda, sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na aabot sa 119,000 na mga maliliit na negosyo ang nagsara batay sa naitala noong 2020.


Tiniyak naman ni Guballa sa mga kongresista na tumutulong ang BIR sa mga MSMEs para sa unti-unting pagbangon.

Magkagayunman, kahit may COVID-19 pandemic ay nahigitan pa ng BIR ang target collection nito sa 2020 na umabot sa P1.9 trillion.

Hindi rin inaasahan na sa kabila ng lockdown at pinababang tax collection rate target ay lumagpas ang koleksyon ng BIR.

Facebook Comments