Umabot sa 101,645 na Pantawid Pasada fuel subsidy cards ang naipamahagi ng DOTr at LTFRB sa mga lehitimong franchise owner ng mga Public Utility Jeepney.
Ayon sa LTFRB, ang nasabing bilang ng naimapahaging fuel subsidy cards ay mula noong July 2018.
Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, ipinagkaloob ang mga ito sa mga lehitimong franchise owner ng mga Public Utility Jeepney kung saan nabigyan sila ng tig P5,000 na subsidy.
Ito ay katumbas ng kabuuang halagang PhP 508,225,000.00.
Ang Pantawid Pasada Program ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Facebook Comments