Mahigit 100,000 Navoteños, nabakunahan na

Umabot na sa 102,037 ang mga Navoteño na nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

Sa bilang na ito, 79,254 ang nakatanggap na ng first dose, habang 22,783 naman ang nakakumpleto na ng second dose ng vaccine.

Hinihikayat naman ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang mga senior citizens na residente na magpabakuna laban sa COVID-19.


Aniya, sa target na 70% herd immunity sa mga seniors ay aabot pa lamang sa 10.25% ang nababakunahan sa A2 category.

Paliwanag pa ng alkalde, kailangang pataasin ito dahil kung hindi ay hindi na prayoridad ang National Capital Region (NCR) na mabigyan ng suplay ng bakuna mula sa COVAX Facility.

Hinimok din nito ang mga may kaanak na lolo at lola na sila mismo ang humikayat sa mga ito na magpabakuna lalo’t kabilang sila sa vulnerable groups.

Facebook Comments