Aabot na sa 108,010 na mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ito ay ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala.
Aniya, sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtanggap ng bakuna ng AFP na kanilang ipinapadala sa iba’t ibang vaccination sites sa bansa kaya naman tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa kanilang hanay.
Samantala, umabot na sa 15,625 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng AFP.
Sinabi ni Zagala, bilang na ito 1,526 ang aktibong kaso.
Pero, nakapagtala naman ang AFP ng 13,636 na bilang ng mga gumaling sa sakit habang 31 na ang nasawi.
Facebook Comments