
Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kabuuang 53,144 outbound passengers at 40,981 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa ngayong araw, December 22.
Ayon sa PCG, sumailalim sa inspeksyon ang 371 na barko at 127 na motorbanca upang matiyak ang ligtas na paglalakbay sa 16 na distrito ng PCG.
Kasalukuyan namang nasa heightened alert ang lahat ng istasyon ng Coast Guard mula December 20, 2025 hanggang January 4, 2026 para sa dagsa ng mga pasahero ngayong Pasko.
Una nang inabisuhan ng mga awtoridad ang mga pasahero na agahan ang pagpunta sa mga terminal at magpa-reserve ng ticket para maiwasan ang pagkaantala ng biyahe.
Para sa mga katanungan o concern tungkol sa sea travel protocols, maaaring makipag-ugnayan sa official Facebook page ng PCG o tumawag sa kanilang hotline.









