Mahigit 105,000 pamilya, naayudahan na sa Maynila

Umabot na sa halos 105,000 pamilya ang nakatanggap ng ayuda sa Maynila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, nagawa itong maipamahagi sa loob ng apat na araw kung saan 104,833 na benepisyaryo ang nakinabang sa ayuda.

Nasa P419,332,000 na halaga ng pondo ang nailabas at kahit ngayong araw ng linggo ay magtutuluy-tuloy ang pamamahagi nito para maabot ang target na dalawang linggong pagbibigay ng ayuda.


Pinasalamatan naman ni Mayor Isko ang buong pwersa ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa pamumuno ni Director Re Fugoso dahil sa patuloy nilang serbisyo.

Matatandaan na naglaan ang national government ng higit P1.4 bilyon na ayuda sa lungsod para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments