Mahigit 10K indibidwal naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ramon sa 3 rehiyon

Umaabot na sa 10,459 o katumbas ng 2,902 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ramon sa 46 na Barangay sa Region 2, 5 at CAR.

Batay ito sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa bilang ng mga apektadong pamilya halos limang libong indibidwal ang  tumutuloy sa 91 evacuation centers habang 86 families ang nakitira sa kanilang kamag anak o kaibigan.


Agad namang nakapagbigay ng tulong ang pamahalaan sa mga apektado ng bagyo, sa ulat ng NDRRMC aabot sa mahigit 800,000 pesos na halaga ng mga family food packs ang naitulong na sa mga ito.

Ang 863,000 pesos nagmula sa mga lokal na pamahalaan habang ang mahigit 19,000 mga family food packs ay nagmula sa DSWD.

Samantala, nadagdagan rin ang mga bahay na nasira na umabot na sa 19, sampu rito ay totally damaged habang syam ay partially damaged.

Dalawangpung road section at syam na tulay ang apektado ng pananalasa ng bagyong Ramon sa Region 2, 5 at CAR.

Sa mga naapektuhan, limang road sections at anim na tulay ay hindi pa rin madaanan.

Nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na nararanasan ang bagyong Ramon upang makapagbigay agad ng ayuda.

Facebook Comments