Mahigit 11.7 milyong doses ng bakuna, naiturok na sa Pilipinas ayon sa DOH

Umabot na sa mahigit 11.7 milyong doses ng mga bakuna ang naiturok na sa bansa.

Sa inilabas ng datos ng Department of Health (DOH), as of July 4 ay nasa 11,708,029 ang bakunang naiturok na sa bansa.

Sa nasabing datos, 8,839,124 ang nakatanggap ng first dose habang 2,868,905 ang nakatanggap ng second dose o fully vaccinated na.


Kabilang sa mga bakunang ipinamamahagi sa buong bansa ay ang; Pfizer, Moderna, Sinovac, at AstraZeneca.

Patuloy naman ang panghikayat ng DOH sa publiko lalo na sa mga kabilang sa A1 hanggang A5 na magparehistro na sa kanilang Local Government Units (LGUs) upang mabakunahan.

Target ng bansa ang pagtuturok ng 58 million bakuna upang maabot population protection ngayong taon.

Facebook Comments