
Sa huling ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot na sa 11,460 na pamilya o 28,850 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Wilma sa bansa.
Ang nasabing ulat ng ahensya ay mula sa Region 5, 8, 10 at CARAGA at mula sa 63 na mga barangay.
Nasa 125 na pamilya o 358 na indibidwal naman ang naitalang nananatili na ngayon sa 8 evacuation centers.
Sa ngayon , aabot na sa mahigit 760 libong piso ang naipaabot na humanitarian assistance ng DSWD sa mga nasabing lugar.
Samantala, nasa mahigit 2 bilyong piso naman ang available relief sources ng ahensya para sa quick response fund at sa halaga ng food at non-food items.
Patuloy naman na kumikilos ang ahensya para magbigay suporta at tulong sa mga nasalanta ng bagyong Wilma.
Facebook Comments









