Mahigit sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, nakikipag-ugnayan na sila kay Justice Secretary Menardo Guevarra mula nang simulan ang pinamumunuang Mega Task Force nito ang imbestigasyon base na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod dito, sinabi ni Villar na ang sariling Task Force ng DPWH ay tuloy-tuloy na kumikilos laban sa mga alegasyon ng katiwalian sa mismong opisina nila.
Ito’y mula sa mga taong nagbibigay ng sulat o direct complaint, tulad ng delay sa implementasyon ng mga proyekto at iba pa.
Kung makitaan ang mga ito ng probable cause, inihayag ni Villar na maaaring masuspinde ang mga inirereklamo pero dadaansila sa proseso o maharap sa kaso.
Inaasahan naman ni Villar na magkakaroon ng accomplishment ang kanilang ginagawang imbestigasyon laban sa mga tao sa DPWH na sinasabing sangkot sa kurapsyon.