
Umabot na sa mahigit 1,100 na mga paaralan ang tuluyang nasira dulot ng pagyanig ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu City ayon sa ulat ng Department of Education (DepEd).
Habang nasa 5,500 na silid-aralan naman ang may bahagyang napinsala.
Sa kabuuan nasa 19,000 na mag-aaral at 950 na guro at non-teaching personnel naman ang naapektuhan ng nasabing lindol.
Dahil dito, tiniyak ng kagawaran na ilalaan ang pondo para ayusin ang mga nasabing nasirang gusali.
Sa pagbisita ni Secretary Sonny Angara at Pangulong Bongbong Marcos, nagpamahagi ang ahensya ng edukasyon ng mga teaching and learning recovery kits para sa 70 na mag-aaral at sa 17 na guro sa lugar.
Siniguro din ni Sec. Angara na magpapatuloy angedukasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng Temporary Learning Spaces (TLS) sa Bogo City at sa mga karatig-bayan sa Cebu kung saan layon nito na mabawasan ang nawalang araw ng klase sa lugar.









