Mahigit 11,000 COVID recoveries, naitala ngayong araw ng DOH

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 11,333 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

Samantala, 8,929 ang bagong kaso at 70 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon umaabot na sa 1,006,428 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay bumaba na sa 74,623.

Ang kabuuang gumaling naman ay 914,952 at ang kabuuang binawian ng buhay ay 16,953.

Facebook Comments