Sunday, January 18, 2026

Mahigit 11,000 FFP, naipamahagi na ng DSWD sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Nando

Pumalo na sa mahigit 11,000 family food packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Nando, Mirasol, at habagat.

Ayon sa DSWD, nasa kabuuang 11,285 na kahon ng family food packs (FFPs) na ang maaga na nilang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Kabilang dito ang Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa Cagayan Valley, nasa 4,736 na FFPs na ang naipamahagi; 601 naman sa Central Visayas; 5,042 sa Bicol Region; 227 sa Western Visayas; at 679 sa CAR.

Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang kanilang resources para tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments