Umakyat na sa 11,909 na indibidwal ang nagreklamo sa Grievance and Appeal Desk matapos ang pamamahagi ng ayuda sa mga indibidwal sa Marikina City.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nakatanggap na ng kumpletong ayuda ang 11,909 na indibidwal kung saan ang nabanggit na indibidwal ay mga dating nakatanggap ng P1,000 gayong hanggang P4,000 ang dapat nilang matanggap depende sa dami ng mga miyembro ng pamilya.
Matatandaang nagkaroon ng problema ang database ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) kaya’t ang Marikina City Government ay may bagong set ng mga reklamo na silang pinoproseso.
Paliwanag ni Mayor Teodoro na ang naturang bagong set ay yaong mga wala sa listahan at nakikiusap ng tulong dahil labis silang naapektuhan ng nasabing pandemya.