Nakapagsanay ang 11,000 mga Filipino seafarers sa Maritime Training and Skills Competency Program sa tulong ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Ito ang inihayag ng Office of the Press Secretary (OPS) batay na rin sa year-end report ng Marcos administration.
Sa year-end report nakasaad na para makapasa sa international competency and skills requirements ang mga Filipino seafarers kaya isinailalim ang mga ito sa Maritime Training and Skills Competency Program.
Una nang pinalalakas ng Marcos government ang bilateral cooperation sa ibang mga bansa para maprotektahan ang kapakanan ng mga Filipino workers.
Isa na rito ang pagpirma ng Singapore Ministry of Health at ng Philippine Department of Migrant Workers (DMW) sa Joint Communiqué para sa kapakanan ng mga Filipino workers sa Singapore.