Mahigit 11,000 pasahero, apektado sa kanselasyon ng flights ngayong araw sa NAIA

Umaabot sa 11,393 ang apektado ng kanselasyon ng flights ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay mula sa 74 na planned cancellations dahil sa Bagyong Kristine.

Kinansela kasi ng local air carriers ang domestic flights ngayong araw sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.


Kabilang sa mga kanselado ang ilang flights patungo ng ilang lalawigan sa Bicol region, Visayas, at Mindanao.

Samantala, patuloy naman ang pagdating ng international passengers sa NAIA 1 mula sa iba’t ibang mga bansa.

Facebook Comments