Monday, February 9, 2026

Mahigit 12 milyong pisong halaga ng ilegal na mga laptops at mobile phones nakumpiska; 5 indibidwal arestado

Nakumpiska ng mga operatiba sa pangunguna ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG ang mahigit 12 milyong pisong halaga ng ilegal na mga laptops at mobile phones sa isinagawang joint operation sa Subic Bay Gateway Park.

Kung saan sa isinagawang raid ay narekober ang kabuuang 2,400 na mga ibat-ibang brands ng laptops, 65 na mga mobiles phones, order book, backjob checklist report, at Certificate of Registration mula sa Bureau of Customs (BOC).

Ang nasabing operasyon ay nag-ugat sa 4 na buwang intelligence-driven operation na nagsimula pa noong Oktubre nakaraang taon kung saan dito nanggagaling ang mga ilegal na laptops na ibinibenta sa lokal na pamilihan.

Kaugnay nito, napagalaman rin sa imbestigasyon na walang legal na approval sa National Telecommunications Commission o NTC ang pagbebenta ng mga nasabing electronic devices.

Samantala,inihahanda na ang mga isasampang kaso sa mga nasabing naarestong indibidwal kagaya na lamang ng Consumer Act of the Philippines, Unfair Competition, at Ecological Solid Waste Management Act .

Habang patuloy naman ang paghahanap sa natitirang suspek na kinilala bilang si Jia Zhoulong , isang Chinese National at ang may-ari nang nasabing naraid na pasilidad.

Facebook Comments