Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang kontrata para sa 127 frontliners na itatalaga sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta.
Ayon kay Mayor Moreno, kumpleto na umano ang medical frontliners na mangangasiwa sa bubuksang bagong tayong pasilidad ngayong buwan ng Hunyo, 2021.
Paliwanag ng alkalde na kabilang umano sa kanila ang 20 doktor, 53 nurses, 8 medical technologists, at 8 radiologic technicians na tutulong upang umagapay sa mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19.
Dagdag pa ni Moreno na kumuha rin ang Manila government ng 10 admin staff, 8 IT o Information Technology personnel at 20 Job Order (JO) na mga tauhan.
Giit ng alkalde na ang 336 na bed capacity na Manila COVID-19 Field Hospital ay ipinatayo para tumugon sa pangangailangan ng mga residente ng lungsod na makararanas ng mild at moderate na sintomas ng COVID-19.