Mahigit 1,200 LGUs, napagkalooban na ng P67 billion cash assistance sa ilalim ng social amelioration program

Mahigit 83 percent ng cash assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng Luzon-Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay DSWD Under Secretary Camilo Gudmalin, umaabot na sa 1,228 local government units ang napagkalooban ng PHP 67 billion pondo sa ilalim ng social amelioration program.

Aniya, kabuuang 282,964 low income non-4Ps families na rin ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan na nagkakahalaga ng PHP 1.5 billion.


Nagkakahalaga naman aniya ng PHP 3.7 million ang naibigay na tulong sa mga benipisaryo ng 4Ps gayundin ng mga driver sa bansa.

Maliban dito, sabi pa ni Gudmalin, natulungan din ng DSWD ang 14,096 clients para sa COVID-related concerns tulad ng requests for medical/burial assistance na umaabot sa higit PHP 67.5 million sa pamamagitan ng regular assistance to individuals in crisis situation.

Habang nakapagbigay rin ang kagawaran ng 400,201 family food packs sa iba’t-ibang LGUs sa iba’t-ibang rehiyon na may kabuuang halaga ng mahigit PHP 156 million.

Facebook Comments