
Umaabot na sa 1,234 ang kabuuang bilang ng mga kabahayang iniulat na nasira sa iba’t ibang rehiyon sa bansa bunsod ng epekto ng Bagyong Crising at habagat.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 935 dito ang bahagyang nasira habang 299 ang totally damaged.
Pinakamalaking pinsala ang naitala sa Region 10 (Northern Mindanao) na umabot sa ₱995,375 matapos masira ang 114 kabahayan, kabilang na ang 12 na totally damaged.
Sa CARAGA Region, bagama’t isa lang ang naitalang nasirang bahay, tinatayang aabot pa rin sa ₱30,000 ang halaga ng pinsala.
Patuloy namang nagsasagawa ng assessment ang mga kinauukulang ahensya para sa posibleng ayuda at rehabilitasyon sa mga naapektuhang kabahayan.
Facebook Comments









