MANILA – Aabot sa 1,232 pribadong paaralan sa elementary at high school sa bansa ang pinayagang ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng matrikula ngayong school year 2016-2017.Ayon kay DepEd Asec Jesus Mateo, pinayagan nilang mataas ng 7.87 percent sa tuition fee ang kabuuang 1,232 na pribadong paaralan dahil sa pangakong improvement sa pasilidad ng kani-kanilang paaralan at pagtataas ng suweldo ng kanilang mga guro.Paliwanag ni Mateo, dumaan naman sa tamang proseso ang inaprubahan nilang tuition fee hike at nakabatay ito sa deped guildlines.Aniya, pinayagan rin nila ang pagtataas ng matrikula dahil ang 70 porsiyento ng kabuuang dagdag na matrikula ay mapupunta sa suweldo ng mga guro habang ang 20 percent ay pagsasaayos sa mga silid aralan at mga palikuran at 10 percent sa return of investment.Bukod rito, nasa 280 naman na mga colleges at universities ang pinayagang ng Commission On Higher Education o CHED na magtaas rin ng matrikula.
Mahigit 1,200 Private School, Pinayagan Ng Deped Na Magtaas Ng Tuition Fee At Iba Pang Bayarin
Facebook Comments