Mahigit 12,000 doses ng bakunang dumating sa bansa, nasayang dahil sa iba’t ibang kadahilanan

Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang halaga ng mga bakunang dumating sa bansa na nasayang dahil sa iba’t bang kadahilanan.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, aabot lamang ito sa 12,696 doses ng COVID-19 vaccine o 0.001% ng kabuuang 87 million bakuna na natanggap ng Pilipinas.

Sa nasabing bilang 5,186 dito ay AstraZeneca, 4,380 Sinovac, 2,921 Pfizer, 97 Gamaleya, 87 Moderna, at 15 ang Janssen.


Ilan sa mga dahilan ng pagkasira ng bakuna ay ang paiba-iba at problema sa temperatura ng pag-iimbakan ng bakuna, sunog tulad nang naganap sa Cotabato at problema sa label ng mga bakuna.

Facebook Comments