Umabot sa 2,753 pamilya o 12,213 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Jolina sa apat na rehiyon sa bansa.
Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga indibidwal na ito sa 65 na mga barangay sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Eastern Visayas.
Sa nasabing bilang, 1,995 pamilya o 8,600 indibidwal ang inilikas sa 55 evacuation centers habang 2,378 indibidwal o 548 pamilya ang nakitira sa kanilang mga kamag-anak.
Nasira ng bagyo ang 24 kabahayan kung saan 22 rito ay bahagyang nasira habang ang dalawang bahay ay totally damaged sa Bicol Region at Western Visayas.
Ilang imprastraktura rin sa Western Visayas ang nasira habang naapektuhan ng bagyo ang communication services sa Bicol region.
50 ports naman ang nagsuspendi ng operasyon kung saan na-stranded ang 3,230 pasahero, 1,040 rolling cargoes; 26 vessels; at isang motor banca sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas.