Magde-deploy ng mahigit 12,000 na mga pulis para sa Traslacion o Kapistahan ng Poong itim na Nazareno sa January 9, 2025.
Ayon kay Philippine National Police o PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, ito’y bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto sa naturang religious activity.
Matatandaang kahapon, isinagawa ang final walkthrough sa ruta ng Traslacion 2025 kung saan partikular na ininspeksyon at tinignan ng Manila Police District kung naalis na ang mga sagabl sa ruta ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto.
Maaalalang, umabot ng halos 3 milyon ang dami ng mga deboto sa Traslacion ngayong taon na tumagal ito ng 15 oras.
Facebook Comments