Inaasahan ng pamunuan ng Loyola Memorial Park ang 120,000 hanggang 130,000 mga indibidwal na dadalaw hanggang November 2.
Ayon kay Carina Ponce ng Loyola Memorial Department na simula pa kahapon ay nagsimula nang may dumalaw sa mga nakahimlay sa Loyola Memoria Park.
Inaasahang simula naman ngayong araw ay mas marami ang dadalaw hanggang November 2.
Inihayag naman ni Ponce na mayroong mga ipinagbabawal sa loob ng Loyola Memorial Park.
Payo rin ni Ponce sa mga kakain sa loob ng Loyola Memorial Park na ligpitin ang pinagkainan at ang anumang basura para mapanatiling malinis ang libingan.
Ang Loyola Memorial Park ay may lawak na 36 hectares at as of 2019 may 60,000 nakalibing.
Facebook Comments