Mahigit 128,000 na units ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa, kwalipikadong benepisyaryo ng fuel subsidy

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na umabot na sa 128,912 na units ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa ang napabilang sa listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng fuel subsidy na isinumite ng LTFRB sa Land Bank of the Philippines (LBP).

Batay sa pinakahuling datos ng LTFRB, katumbas ito ng tinatayang ₱840,612,500 na halaga ng na-disburse o naipamahagi ng LTFRB sa LBP upang ipamigay sa mga benepisyaryo ng programa.

Ayon sa LTFRB sa nasabing datos, 92,755 na mga benepisyaryo na ang nakatanggap ng fuel subsidy na mayroong katumbas na ₱483,748,500 na halaga ng subsidiyang naipamigay.


Tiniyak naman ng LTFRB na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa LBP para sa tuloy-tuloy at mabilis na pamamahagi ng subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program .

Sa ilalim ng proklamasyong ito, ang mga lupang walang titulo at ang mga lupang pagmamay-ari ng pamahalaan na matatagpuan sa kahabaan ng Manggahan Floodway sa mga munisipalidad ng Cainta at Taytay sa Rizal, at lungsod ng Pasig na may kabuuang sukat na 123.993 ektarya ay inilipat sa NHA upang magamit para sa mga socialized housing program ng bansa.

Ang kaganapan ay bahagi ng pagsisikap ng NHA na tulungan ang mas nakararaming pamilyang Pilipino na maabot ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan.

Sa pamamagitan ng ‘Build Better and More’ Housing Program ng NHA, disidido ang ahensya na pagkalooban ng de-kalidad, ligtas, at abot-kayang pabahay ang mga nangangailangang pamilyang Pilipino, bilang suporta rin sa pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program.

Facebook Comments