Manila, Philippines – Aabot sa 13 libo, syam na raan at tatlumput apat na pinagsanib na pwersa ng mga pulis mula sa National Capital Region Police Office, mga Barangay Tanods, Security guards at mga volunteer Non-Government Organization ang ideneploy ngayong undas.
Ayon kay NCRPO Spokeperson Police Chief Inspector Kim Molitas,may 82 semeteryo, 21 columbary, 182 simbahan, 75 bus terminals, 2 pantalan, at apat na airports ang babantayan ng mahigit labing tatlong libong joining forces.
Sa ngayon aniya patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang government agencies kaugnay sa ipinatutupad na security patrols.
Naglagay din ang NCRPO ng assistance hubs sa lahat ng airports, bus terminal, simbahan, vital installations at mga lugar na dagsa ang tao.
Nagsasagawa din aniya sila ng information campaign, upang bigyan babala ang publiko kaugnay sa modus ng mga criminal groups ngayong undas.
Naka-standby din ang quick reaction teams ng NCRPO na idedeploy kung kinakailangan.