Lumagda ng resolusyon ang nasa 131 mga mambabatas na sumusuporta sa muling pagbuhay ng peace talk.
Ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagabi Zarate, ang nasabing mga mambabatas ay pumapabor sa house resolution 636 na nagsusulong ng peace talks sa National Democratic Front.
Aniya, nagbunga naman ang mga nagdaang peace talks kaya nararapat lamang na hindi isara ng gobyerno ang negosasyon.
Kabilang na aniya dito ang nilagdaang kasunduan na hague declaration, joint agreement on safety and immunity guarantees at comprehensive agreement on the respect of human rights and international humanitarian law.
Matatandaang una nang pinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks dahil sa kawalan ng sinseridad ng komunistang grupo na pumasok sa isang kasunduan.