Aabot sa 1,167 na aso at 148 na pusa ang libreng naturukan ng anti-rabies vaccine sa Maynila ng Veterinary Inspection Board (VIB) habang 145 naman ang kabuuang sumailalim sa deworming
Ang nabanggit na hakbang ay bilang pakikiisa ng Manila City Government – VIB sa World Rabies Day na may temang “End Rabies: Collaborate, Vaccinate.”
Isinagawa ng VIB ang libreng bakuna at deworming sa Zone 15 at Zone 16 ng ika-2 Distrito ng Maynila.
Ayon kay VIB Director Dr. Nick Santos Jr., patuloy ang kanilang tanggapan sa kampanya kontra rabies lalo na sa gitna ng pandemya.
Ngayong araw naman ay magpapatuloy ang libreng anti-rabies vaccination ng VIB sa District 3, Barangay 312; bukas ay sa District 1, Barangay 3 naman sila naka-schedule at sa October 2, 2020 ay sa District 1, Barangay 59.