Mahigit 1,300 NPA na-neutralisa ng gobyerno

Umaabot na sa 1,311 kasapi ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula Enero hanggang Hulyo ngayong 2024.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa nasabing bilang 1,121 ang sumuko, 97 ang naaresto at 93 ang napatay sa mga military operations.

Nasa 728 firearms at 225 anti-personnel mines din ang nakumpiska habang 157 mga kuta ng rebelde ang nasamsam ng mga sundalo.


Samantala, sa kapareho ring panahon, 176 local terrorist group members ang na-neutralisa ng pamahalaan kung saan 124 ang sumuko, 46 ang nasawi at 6 ang naaresto.

Kabuuang 166 mga armas at 21 anti-personnel mines ang narekober ng pamahalaan.

Panawagan ni Padilla sa mga natitira pang rebelde na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan.

Facebook Comments