
Agad na ipinakalat ang mahigit sa 1,300 pulis sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Visayas matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama kagabi.
Ayon sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) alas-11 ng umaga, umabot na sa 1,356 police personnel ang naka-deploy para magbigay ng seguridad, tumulong sa disaster response, at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Kabilang dito ang:
348 mula Cebu City Police Office
51 mula Mactan City Police Office
294 mula Lapu-Lapu City Police Office
363 mula Cebu Police Provincial Office
143 mula Bohol Police Provincial Office
100 mula Regional Mobile Force Battalion
50 mula Regional Headquarters ng PRO-7
7 mula Regional Medical and Dental Unit
Bukod dito, 1,457 evacuation centers ang activated, kabilang ang isa sa Cebu Police Provincial Office (PPO) na pansamantalang tinutuluyan ng siyam na pamilya o 33 indibidwal.
Samantala, naitala rin ang pinsala sa 27 gusali at 3 PNP stations.
Tiniyak naman ni acting PNP Chief PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na tinutulungan din nila ang mga apektadong pulis.









