Mahigit 1,300 tauhan, ipapakalat ng MMDA sa SONA ni PBBM

Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit 1,300 na mga tauhan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes, July 22.

Sa harap ito ng inaasahang pagbibigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Batasang Complex.

Kabilang sa ide-deploy ng MMDA ay para sa road emergency, clearing and cleaning groups , gayundin ang technical team na magmo-monitor sa mga kalsada.


Inaasahang magsisimulang bumigat ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue at paligid ng Batasang Complex bandang alas-3:00 ng hapon.

Kasabay ito ng pagdating ng dignitaries.

Wala namang anunsyo pa kung may mga isasarang kalsada sa Lunes.

Facebook Comments