Mahigit 13,000 na pamilya, apektado ng bagyong Mirasol —DSWD

Lumobo na sa 50,815 ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyong Mirasol.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng 13,000 pamilya.

Sa pinakahuling pagtaya ng DSWD, karamihan sa mga apektado ay nagmula sa Cagayan Valley, Central Luzon, at Bicol region.

Base sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, mayroon ng 77 pamilya o katumbas ng 234 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa evacuation centers.

Una nang sinabi ng ahensiya na naka-standby na ang lahat ng kanilang quick response teams sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Mirasol.

Ayon sa DSWD, ang kanilang mga tauhan ay aalalay sa mga local government units o LGU’s na tatamaan ng bagyong Mirasol.

Sinabi ni DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group, 2,578,821 na kahon ng family food packs (FFPs) na naka-preposition na sa mga bodega ng ahensiya sa buong bansa.

Facebook Comments