Mahigit 13,000, panibagong gumaling mula sa COVID-19

Base sa datos na inilabas ngayon ng Department of Health (DOH) ay 13,644 ang panibagong gumaling sa COVID-19.

21,261 naman ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 kaya umaabot na ngayon sa 177,946 ang aktibong kaso at 2,304,192 naman ang kabuuang bilang ng nahawa ng virus sa bansa.

Base sa record ng DOH, 95.3% sa mga ito ay asymptomatic o mild ang kondisyon.


277 naman ang panibagong nadagdag sa mga nasawi sa COVID-19 na may kabuuang bilang na 36,018.

Facebook Comments