Mahigit 133 million kilo ng basura, nakolekta sa Kalinisan Program ng DILG para maiwasan ang mga pagbaha

Malaking tulong sa flood prevention program ng pamahalaan ang nakolektang mahigit 133 million na kilo ng basura sa buong bansa.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government o DILG, ang nakolektang basura ay bunga ng Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan o KALINISAN Program na sinimulan noong January 2024.

Sa pamamagitan ng naturang programa, nagsasagawa ang mga local government at komunidad ng regular na paglilinis sa pamamagitan ng bayanihan.

Tinutugunan nito ang solid waste management at sinusuportahan ang flood prevention efforts sa pamamagitan ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig, drainage systems at public spaces sa mga nakabarang debris at plastic waste.

Ang programa ay bahagi ng pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng malinis, ligat sa disaster-resilient sa pamayanan.

Facebook Comments