Mahigit 14,000 free Wi-Fi sites sa buong bansa, target ng DICT bago matapos ang taon

Nasa 10,516 free Wi-Fi sites ang planong buhayin ng Department of Information and Communications Technology o DICT bago matapos ang taon.

Kapag nangyari ito ay aabot na sa 14,477 ang free Wi-Fi sites sa buong bansa ngayong taon kasama ang mga ikakabit sa mga ospital ng gobyerno, tourist spots at state universities and colleges.

Sa briefing para sa House Committee on Appropriations ay sinabi ni DICT Assistant Secretary Heherson Asiddao na sa ngayon ay mayroon lamang 3,961 sa kabuuong 11,000 ang active na free Wi-Fi sites sa bansa.


Sabi ni Asiddao, ito ay dahil hindi ni-renew ang kontrata sa mga internet provider kaya walang koneksyon ang karamihan.

Pero binanggit ni Asiddao na makatatanggap ang DICT ng ₱1.5 bilyon mula sa Department of Budget and Management sa ikatlong quarter ng taon kaya mababayaran na nila ang mga telecommunication company.

Facebook Comments