
Sasalubungin ng 14,000 mga inidbidwal sa Negros Island ang Bagong Taon sa evacuation center dahil sa nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, kabuuang 14,441 indibidwal o katumbas ng 4,420 pamilya ang tumutuloy ngayon sa 34 evacuation centers sa Regions 6 at 7.
Halos P150-M na tulong na ang naipaabot ng pamahalaan sa mga pamilyang apektado kabilang ang food packs, hygiene kits at sleeping kits.
Tiniyak naman ng pamahalaan na may pagsasaluhan ang mga ito para sa media noche habang sila ay nananatili sa mga evacuation center.
Facebook Comments









