Mahigit 14,000 katao, bumisita sa kanilang namayapa sa Holy Cross Cemetery sa Quezon City

Ngayong hapon ay umabot na sa 14,000 katao ang mga nakapasok sa loob ng Holy Cross Cemetery sa Brgy. San Bartolome, Quezon City.

Mas mababa kung ihahambing sa 24,000 na pumasok kahapon, kahit na malakas ang naging buhos ng ulan dala ng Bagyong Paeng.

May 70,000 ang nakalibing sa naturang pampublikong sementeryo kung saan nakahimlay rin ang ilan sa kilalang mga personalidad gaya ng komedyanteng si Tia Pusit, mga lolo’t lola ng actress na si Judy Ann Santos at ang mag-iinang Vizconde.


Asahan na tataas pa ang bilang ng mga bibisita sa kanilang mga namayapa bago ang closing time nito mamayang alas-10:00 ng gabi.

Facebook Comments